XRM Bikers Club
Please login or register to view more topics and pictures inside the forum and join the
XRM Bikers Club Discussions as well as ...ride safely

LTO: Walang penalty sa late registration ng ending 6

View previous topic View next topic Go down

LTO: Walang penalty sa late registration ng ending 6

Post by Y I N G on Thu 01 Jul 2010, 5:09 am

GOOD news. Walang 50% penalty sa late registration sa renewal ng plate ending 6.

Ito ang inihayag kahapon ni Transportation and Communications Assistant Secretary at hepe ng Land Transportation Office (LTO) Alberto Suansing.

Ayon kay Asec. Suansing, agad niyang ipinalabas ang isang memorandum order (MO) na nag-waive sa 50% penalty sa mga late registration ng mga kotse na may plate ending 6 dahil na rin sa pagkakadeklara ng June 30 bilang holiday at inauguration ni President-elect Benigno Aquino III bilang bagong pangulo ng bansa.

Nilinaw naman ni Suansing na ang extended privilege na walang 50% penalty sa mga ending 6 ay hanggang ngayon lamang.

Iniutos niya na ibalik sa July 2 ang normal process at may multa nang 50% ang mga late na magre-renew ng may ending 6 ang plaka.

“Well that would be enough,” saad niya.

Nauna rito, marami silang request at reklamo na natanggap mula sa iba’t ibang lugar ng bansa na maraming vehicle owners na may plakang ending 6 ang nabitin dahil na rin sa pagkakadeklara ng June 30 na holiday.

Nagpasalamat naman ang publiko sa mabilis na aksiyon ng LTO at pagpapakita ng humanitarian reason.

Y I N G
Teenage Umang Hunters

Posts : 1447
Join date : 2009-12-10

View user profile

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum