XRM Bikers Club
Please login or register to view more topics and pictures inside the forum and join the
XRM Bikers Club Discussions as well as ...ride safely

'OMG' sagot sa malnutrisyon

View previous topic View next topic Go down

'OMG' sagot sa malnutrisyon

Post by Y I N G on Sun 13 Feb 2011, 2:41 am



MANILA, Philippines - Inilunsad ng Depart­ment of Education (DepEd) ang programang ‘OMG’ o “Oh, My Gulay” program upang solusyunan ang problema sa malnutrisyon ng mga mag-aaral.

Layunin ng programa na maituro sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagtatanim at pagkain ng gulay sa kanilang kalusugan.

“OMG! is a call-to-action campaign that will address nutrient deficiency and promote healthy eating among school children by planting and eating vegetables,” anang DepEd.

Bahagi umano ng OMG program ang pamamahagi ng mga punla at upang mahikayat ang mga mag-aaral at mga magulang ng mga ito na magtanim ng gulay sa kanilang bakuran at loob ng paaralan.

Isinusulong ng DepEd ang pagtatanim at pagkain ng gulay gayundin ang pagpapasuso ng ina sa kanyang sanggol upang masiguro ang magandang kalusugan ng bata.

Natuklasan sa pag-aaral na mas matalino at mas malakas ang resistensya ng mga batang kumakain ng gulay at nakasuso ng gatas ng ina.

Lumilitaw din na ang kakulangan ng sapat na nutrisyon ng mga bata ang isa sa mga dahilan kung bakit marami ang tumitigil sa pag-aaral na nagreresulta sa pagtaas ng dropout rate sa mga paaralan, kung saan 38 lamang sa may 100 Grade 1 student ang nakakatapos ng high school.


Y I N G
Teenage Umang Hunters

Posts : 1447
Join date : 2009-12-10

View user profile

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum