XRM Bikers Club
Please login or register to view more topics and pictures inside the forum and join the
XRM Bikers Club Discussions as well as ...ride safely

Mga motel matumal sa V-day

View previous topic View next topic Go down

Mga motel matumal sa V-day

Post by Y I N G on Mon 14 Feb 2011, 1:21 pm



MANILA, Philippines - Kung mabili ang mga bulaklak kahit na mataas ang presyo ay kabaligtaran naman sa mga motel dahil kahit nagbaba na sila ng ‘room rate’ ay matumal pa rin ang dating ng mga customer sa kanila ngayong Valentine’s day.

Ayon kay Melo Makahilig, manager ng Town and Country Lodge Inn sa Pasig City, hindi umano tulad noong mga nakalipas na taon, bisperas pa lamang ng Valentine’s day ay puno na ang kanilang mga kuwarto.

Pero ngayon aniya, bakante ang mga kuwarto at paisa-isa na lamang ang mga dumarating dala na rin marahil ng kahirapan sa buhay.

Aniya, dati-rati ay February 10 pa lamang ay may mga tawag na sa kanila at humihingi ng ‘reservation’ para sa Valentine’s day pero ngayon ay wala silang natatanggap na mga tawag.

Ganito rin ang sitwas­yon sa iba pang hotel at mo­tel sa Eastern part ng Metro Manila na bagamat nagbibigay pa ng 20% diskuwento, at iba pang pakulo tulad ng libreng meryenda, sofdrinks at isang piraso na pulang rosas ay matumal pa rin sa customer.

Umaasa naman ang mga hotel at motel owners na ngayong mismong Araw ng mga Puso ay dadami na ang kanilang customer.



Y I N G
Teenage Umang Hunters

Posts : 1447
Join date : 2009-12-10

View user profile

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum