XRM Bikers Club
Please login or register to view more topics and pictures inside the forum and join the
XRM Bikers Club Discussions as well as ...ride safely

Drunk driving, isa nang krimen

View previous topic View next topic Go down

Drunk driving, isa nang krimen

Post by Y I N G on Mon 21 Mar 2011, 10:43 pm


NOONG nakaraang taon, may naitalang 20,151 na kaso ng road accident. Noong 2009, nakapagtala ng 24,417 na kaso. Ngayong 2011 ay baka mabawasan na dahil mayroon nang batas laban sa pagmamaneho nang lasing. Numero unong dahilan ng aksidente ay dahil lasing ang drayber.

Marami nang nasayang na buhay dahil sa kalasingan ng drayber. Kahapon, isang aksidente ang nangyari sa kahabaan ng Quirino Highway, Quezon City nang isang ten-wheeler truck ang bumangga sa kasalubong na sasakyan din. La-sing ang drayber ng truck. Sugatan ang drayber ng nakabanggaang sasakyan. Mabuti na lamang at walang namatay.

Sa kabila na marami nang naitalang aksidente dahil sa pagmamaneho nang lasing, marami pa rin ang sumusuway. Patuloy na inilalagay sa peligro ang buhay ng mga kapwa motorista, pasahero at pedestrians.

Salamat at naipasa na ang House Bill 425 na magsasabatas na isang krimen ang pagmamaneho nang lasing. Kapag nahuling lasing ang drayber, pagmumultahin siya ng P20,000 at awtomatik na babawiin ang lisensiya.

Ang main author ng HB 425 ay si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo. Sinang-ayunan ng 240 mambabatas ang panukalang batas ni Arroyo. Nagpasalamat si Arroyo sa pagkakapasa ng kanyang inihaing batas laban sa pagmamaneho nang lasing. Ayon kay Arroyo, hindi lamang makapagliligtas ng buhay at magiging ligtas ang mga kalsada kundi magkakaroon ng istriktong batas para maging responsableng drayber. Makapagbibiyahe na aniya nang ligtas dahil dito.

Napapanahon na para maparusahan ang mga nagmamaneho nang lasing. Nararapat silang bigyan ng leksiyon. Nararapat maipatupad ang batas. Gawin ng traffic enforcers ang kanilang tungkulin lalo na ang pagmamanman sa mga lasing na drayber.



(Pilipino Star Ngayon)


Y I N G
Teenage Umang Hunters

Posts : 1447
Join date : 2009-12-10

View user profile

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum